Friday, November 23, 2007

Fotoblogposting galore part II... at TB-TB-han

Birthday ng nanay ko nung isang araw. Ang saya-saya. Nakaka-miss talaga ang family, especially kapag weekends ka lang umuuwi. Kasama ko si Daniel sa piktyur, ang pamangkin kong utak power-ranger. Wag niyo na akong pansinin diyan, sige na, mukha na akong na-i-stroke. Pag-umuuwi ako, sinisipa-sipa ako nito at ng kapatid niyang si David... ako daw yung halimaw na kalaban ng power ranger. haay naku. mga bata talaga ngayon.

Nung November first week, nagkaroon ako ng mini-bakasyon. Kaya nagpunta ako sa Lake Caliraya, Laguna kasama ang mga church mates ko. Ayun. Na-born again ulit ako. Haaay.

Ayan. Emo shot ng isa sa kambal. hehe. natuwa lang ako kaya pinost ko.
----

From duty me ngayon. Mabait ang Diyos, hindi ako napagod masyado kagabi.

Pero...

meron akong na-transfer na patient by ambulance.... may multiple-drug resistant tuberculosis na pasyente na may lupus... at may nana sa atay.

katakot. sobrang tatlong patong ng mask (N95) ang suot ko. Halos hindi na ako makahinga, at halos napango na ang ilong ko sa mask. Pero nahiya din ako sa pasyente kasi parang obvious na talagang nilalayuan siya ng medical staff.

Sana gumaling siya. At sana walang mahawa sa kanya.

Laki talagang prublema sa Pilipinas ang tuberculosis. Top 9 ang Pilipinas sa mga bansang namu-mroblema sa TB, sabi sa report ng WHO Global TB Report 2006. Tinatayang 78 na Pilipino ang namamatay dito araw-araw. Siguro nahihirapan tayo sa TB kasi likas sa Pilipino ang maging pasaway. Disiplina ang kailangan para magamot ang TB (6 na buwan na gamutan, usually mga 3-4 tablets sa isang inuman.)

May social stigma din kasi ang TB, parang ketong. Nilalayuan ng mga tao ang mga TB patients. Sa susunod na sumakay ka sa jeep, magmasid-masid sa mga taong ubo ng ubo. Baka may TB yun.

Dito sa ospital, katakut-takot ang TB patients na nakikita namin! Delikado talaga maging duktor. Kaya nga gusto ko nang magpa-Xray ulit. Para lang ma-check. Kasi mahirap nang magkasakit. (Pero 2 weeks din yun na sick leave, hehe)

0 na ang nag-comment. Kaw din?: