Friday, October 05, 2007

Kamusta naman?

Iyan ang isa sa mga tanong na pilit kong sinasagot ngayon.

Panu ba naman, sa dinadami-dami ng mga nangyayari sa buhay-buhay ngayon, malaking bagay na ang huminto ng sandali at magsabi ng "Kamusta naman ako?".

Kelangan pa bang tanungin 'yan, eh alam ko naman kung anung nangyayari sa buhay ko??

O alam ko nga ba?

Sa mga pasyente, madalas tanungin ang "Kamusta ka naman?".
Madali lang ang karaniwan nilang sinasagot:"Ok naman po, doc."
Tapos hihirit ako ng "Eh bakit ka andito kung ok ka?", sabay ngiti. Ngiting aso. hehe.
Ayun, ngingiti na rin yung pasyente at sasabihin na yung problema niya.

Masakit ang tiyan.
Hindi matae.
Nahihilo
Nahihirapan huminga.
Kelangan ng medical certificate.
Papa-check ng BP.
Manghihingi ng libreng multivitamins.
Walang gana kumain.
Nilalagnat.
Lumalabo ang paningin.
Nangangayayat.
Mahapdi umihi.
Masakit ang lalamunan.
May "tulo".
Baka daw may "dengue".

Pag-duktor ka, sari-sari ang haharapin mong prublema. Problema din ng duktor ang prublema ng iba. Mga pakialamerong nagmamagaling. At binabayaran para mangialam ng buhay ng may buhay.

Kaya siguro mahirap sagutin ang tanung na 'yan kung ibaling ko naman siya sa sarili ko.

Eh kamusta na nga ba ako?

Pagod.
Puyat.
Payat.
Gutom.
Nangangarap ng Pasko.
Madaming kelangang gawin.
Inaantok.
Gustong umuwi sa bahay.
Na-j-jingle.

Yan siguro yung mga unang sagot na papasok sa isipan ko ngayon. Tanungin mo ako ulit, at mas malalim na ang maisasagot ko:

Naghahanap ng "kaliwanagan" sa mga bagay-bagay na nangyayari.
Nag-iisip kung may kulang pang nagawa sa pasyente.
Nagtataka sa plano ng Diyos para sa akin.

*buntong hininga*

2 na ang nag-comment. Kaw din?:

soughtafter said...

i like it when people ask me that question. lalo na kung sincere.

*taptap*

you're doing a great job doc.

(nagiging masugid na komentarista ko ng payb-pifty. ako naman ang tinatamad mag-blag. hehe)

broks said...

haha.tnx!